Kampanya para sa makabuluhang dagdag sahod

Maliit ang minimum sa sahod sa pribadong sektor, ibayong naging mas maliit pa ang second tranche ngSalary Standardization Law III (SSL III) na P7,575 na nagsimula sa P6,861 kada buwan na minimum pay ng isang kawani na nasa Step 1 na may Salary Grade 1. Malayung-malayo ito hambing sa tinatayang P28,710/buwan sa konserbatibong pagtantya ng gobyerno na kinakailangan ng isang pamilyang may anim na kasapi upang mabuhay. Hindi pa kasama rito ang buwanang kinakaltas na buwis, GSIS premium contribution, Philhealth, Pag-ibig atbp. bago pa man mapasakamay ng mga kawani ang kanilang sweldo. Ang mga kawani sa Salary Grade 1 to 10 na karaniwang tumatanggap ng mas maliit na sweldo ay siya rin namang unang target sa mga panukalang tanggalan ng bawat administrasyon.

Habang kinilala ng mga kawani ang ilang panimulang mga tagumpay sa laban sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na kampanya at sama-samang pagkilos, walang humpay ding inilantad at nilabanan ang mga probisyon sa SSL3 na nagkait ng mga dati nang benepisyong tinatamasa ng mga kawani at mga pakinabang na iniluwal ng mga pakibakang masa kasama na ang mga CNAs (Collective Negotiations Agreement). Nanawagan tayo ng “Full Implementation ng Salary Increase SSL 3 ngayong 2010″ sa balangkas ng patuloy na pagdausdos ng halaga ng sweldo vis-a-vis sa walang patid na pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo.

Kahit pa man ang sweldo ng mga nurse at guro sa pampublikong hospital at paaralan (SG 11) ay maliit pa rin kung ihahambing sa cost of living.

Mas mababa at kadalasa’y hindi pa ipinatutupad ang umento kung ang mga kawani ay nasa mga Local Government Units o LGUs. Ang pagpapasweldo sa kanila ay ekspresyon ng wage regionalization ng gobyernoo sa publiko sektor.

Benchmarking o paghahambing sa sahod sa pribado at publikong sektor ang ginamit na batayan at pamantayan dito. Lalo pang pinagtibay nito na dapat ay mababa at kadusta-dusta ang sahod ng mga manggagawa at kawani habang binibigyang katwiran naman ang pagtataas sa sweldo ng mgaExecutives.

Sa matagal na panahon, napag-iwanan na ang minimum pay. Kahit ibigay pa ngayong taon nang buo ang umento sa SSL 3, nananatiling malayung-malayo ang P9000 na magiging minimum pay sa kasalukuyang cost of living, lalo pa sa darating na mga taon. Napakahalaga na itaas ang minimum paysapagkat kinakatawan nito ang pinakamababang tinatanggap na sweldo at kung gayon, pinaka-nakararanas ng matinding pambubusabos sa hanay ng mga kawani sa pampublikong sektor.

Makatwiran lamang na maggiit para sa dagdag na sahod dahil naaayon ito sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan o pagbibigay ng katarungan at pagkilala sa mga batayang karapatan ng mga manggagawa, na silang lumilikha ng yaman ng bansa ngunit sila rin ang pinaka-inaapi at pinagsasamantalahang pwersa ng lipunan.

Ang pangangailangang itaas ng P6,000 sa minimum pay ay nasa balangkas ng panawagan para sa makabuluhang umento. 

Ang laban para sa makabuluhang umento ay laban ng buong mamamayan dahil gaya ng usapin sa lupa, batayang isyu ng mayorya ng mamamayang Pilipino ang sahod. Ang tinipong lakas na ito ang siyang magtatakda ng ating kakamting tagumpay.

Kami, mga kawani at manggagawa sa pambublikong sektor, guro, manggagawang pangkalusugan, at mga mamamayan, ay nagkakaisang ipaglaban ang kagyat na makabuluhang dagdag-sahod na P6,000.00 sa minimum pay para sa mga taong gobyerno.


COMELEC Wage Fight!

Comments
  1. Teng Malate says:

    Tama lang po na ipasa at aprubahan ang panukalang ito (House Bill 3746) para sa mga taong gobyernong mababa ang sweldo na di kayang suportahan ang pamilya dahil sa mga nagtataasang gastusin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s