Posted: March 31, 2012 in Uncategorized

mackybaka!

Dapat daw tayong magtika
at magpenitensya,
ngayong panahon ng Kuwaresma

Wala daw puwang
sa pagsasaya
sa nalalapit na okasyon,
at sa pagsasakripisyo daw,
dapat ang oras natin ay ituon

Ah, Magpasan daw tayo ng krus!
Matutong maghigpit ng sinturon!
At alalahanin ang hirap at dusang
pinagdaanan ng ating Panginoon

Ngunit hindi ba’t tila isang buong taon
na rin tayong nagtitika?
Araw-araw ang penitensya’t
paghihigpit ng sinturon;
dahil sa walang katapusang Kalbaryo
sa nagtataasang presyo
ng mga bilihi’t serbisyo?

Samantalang ang sahod nati’y
ipinako na sa Krus ng kahirapan,
anong lebel pa ba ng sakripisyo
ang dapat nating pagdaanan
para tayo’y makadama rin naman
ang pagpapalang tinatamasa
ng iilan?

View original post

Fellow COMELEC Employees:

Our call for the immediate adjustment in our salary has reached the Philippine Congress! Last November 24, 2011, Bayan Muna Rep. Teddy Casiño submitted to Congress, House Resolution 1939 which calls for an inquiry on the “outdated and grossly inappropriate” salary of COMELEC employees nationwide.

Pero hindi pa rin natatapos dito ang ating laban. Kailangan nating ipamalas ang ating pagkakaisa para agad nang ma-iskedyul ang hearing tungkol sa HR1939 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lalong madaling panahon.

We need your support by signing the petition:

WE, the undersigned rank and file employees of the Commission on Elections (COMELEC) fully supports House Resolution 1939“A RESOLUTION DIRECTING THE COMMITTEE ON CIVIL SERVICE AND PROFESSIONAL REGULATION TO CONDUCT AN INQUIRY, IN AID OF LEGISLATION, ON THE PLIGHT OF GOVERNMENT WORKERS AND OFFICIALS OF THE COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) WHOSE SALARY GRADES APPEAR DISMALLY OUTDATED AND GROSSLY INAPPROPRIATE FOR THEIR WORKLOAD.”

We are one in our appeal to the House Committee on Civil Service and Professional Regulation to immediately schedule the Congressional inquiry on HR 1939.

Likewise, WE also express our full support to House Bill 3746 and Senate Bill 2928, both calling for a P6,000 increase in the minimum pay of government workers nationwide.

We will submit the signed petition to Leyte 3rd District Rep. Andres Salvacion Jr.,  Chairman of the House Committee on Civil Service and Professional Regulation.

Ipakita nating seryoso tayo sa panawagan nating makabuluhang dagdag sahod para sa mga kawani ng COMELEC! 

Download the petition HERE

You may send the accomplished petition via post c/o the COMELEC Education and Information Department, Shipping Center Building, Intramuros, Manila. You can also send the scanned copy of the signed petition via email at comelecwagefight@gmail.com.

Tuloy ang Laban!

Para sa mga rank and file na empleyado ng COMELEC, isang taon na puno ng hamon, paglaban at tagumpay ang nagdaang taong 2011.

Matatandaang sinalubong natin ang 2011 ng sama-samang pagkilos para sa ating karampatang benepisyo. Iminarka natin ang ating disgusto sa hindi pagbibigay ng Management sa ating taunang Christmas Incentive sa pamamagitan ng protesta sa Main Office mula Disyembre 28, 2010 hanggang sa mga unang araw ng Enero 2011. Ang mga kapwa empleyado naman natin sa Field offices ay nakiisa sa ating laban sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim na damit.

Dahil sa ating pagkakaisa, napilit natin ang Management na ibigay ang ating kahilingan.

Umpisa pa lamang ito ng ating pagtatagumpay.

Pagsapit ng Enero 21, 2011, pormal nating naidaos ang General Assembly ng Alliance of COMELEC Employees in Service (ACES) sa Knights of Columbus Gymnasium sa Intramuros. Bago pa man ang Asembliya,  umabot na sa mahigit 600 ang kasapian ng ACES mula sa Main at Field Offices. Nakamit na rin natin ang halos lahat ng rekisitos para ma-rehistro ang ACES sa Bureau of Labor Relations ng Department of Labor and Employment.

Subalit, hindi natuloy ang registration sa BLR. Bunga ito ng tahasang pagtanggi ng Pangulo ng ACES na pirmahan ang ratified and approved na Constitution and By-Laws. Sa puntong ito, nag-umpisa ang hidwaan sa loob ng liderato ng ACES.

Nakakalungkot man, tumagal ng ilang buwan ang walang patumanggang pagbabato ng paninira, walang batayang mga akusasyon at intriga mula sa mga pumoposturang tagapagtanggol umano ng rank and file.

Rumurok ang bangayang ito sa iligal at arbitraryong pagtatanggal sa pwesto sa apat na halal na upisyal ng ACES na sina Armando Mallorca, Mac Ramirez, Gel Gerardino at Bong Macasu sa utos lamang ng ACES President.

Puntirya man ng katakot-takot na paninira, nagpursigi pa rin ang mga tinanggal na upisyal sa pagsusulong sa interes ng rank and file.

Sa kanilang inisyatiba, itinatag nila ang COMELEC Wage Fight Alliance noong Mayo 2011 para itulak ang makatwirang dagdag sahod at ang pagtatama sa sistema ng pa-sweldo sa mga empleyado ng COMELEC.

Dahil tumpak at napapanahon ang panawagan ng COMELEC Wage Fight Alliance, parang sunog sa kaparangang kumalat ito sa buong bansa. Daan-daan ang agad na pumirma sa pinakalat nating petisyon. Naging sentrong usapin mula noon ang isyu ng pasahod sa COMELEC at nag-umpisang makinig ang matataas na upisyal ng ating ahensya.

Ilang makasaysayan at matatagumpay na aktibidad din ang ating naidaos natin noong 2011. Nakapaglunsad tayo ng dalawang Forum, isa noong Agosto at isa noong Oktubre kung saan mismong si Chairman Sixto Brillantes ang dumalo at nangako ng pagbabago sa ating pasahod ngayong 2012.

Nakuha rin natin ang suporta ng malalaking organisasyon gaya ng Metro Manila Election Officers Association at Provincial Election Supervisors Association of the Philippines at marami pang iba.

Pinamalas din natin ang pambansang saklaw ng ating samahan noong Setyembre nang maglunsad tayo ng nationally coordinated streamer hanging. Lumahok ang Main Office; Valenzuela; Cavite; Antipolo; San Juan, Batangas; Nueva Vizcaya; Legaspi City; Daraga, Albay; Camarines Sur; Torrijos, Marinduque; Cebu; Lantapan, Bukidnon; Misamis Occidental; Iligan City; North Cotabato; Maguindanao at Zamboanga Sibugay.

Kasing dami ng hamon na ating pinagdaanan ang dami ng ating natutunan noong 2011. Tangan ang mga aral na iyon, tinamo natin ang kasing daming tagumpay na ngayon lamang napasakamay ng mga empleyado ng COMELEC.

Ang natitirang hamon na lamang ngayon para sa COMELEC rank and file ay kung papaano natin itatayo at patatatagin ang isang Unyon na tunay na magsusulong sa kapakanan at interes ng mga rank and file na empleyado.

Hindi pa rin natin maitatanggi na kailangan natin ng isang Unyon para matiyak ang ating karapatan sa benepisyo, kaseguraduhan sa trabaho at dagdag na sahod.

Kaya naman ngayong 2012, magsama-sama tayo at suportahan natin ang COMELEC Employees Union na siyang magbabandila sa kapakanan nating mga rank and file.

Sumapi po tayo sa COMELEC Employees Union at tanawin natin ang marami pang tagumpay sa taong 2012!

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa COMELEC Employees Union, bisitahin lamang po ang link:

http://comelecemployeesunion.wordpress.com/2011/12/12/sa-wakas-comelec-employees-union-comelec-eu/

Ang COMELEC Wage Fight Alliance ay mangangalap ng tulong para sa mga biktima ng trahedyang dulot ng Bagyong Sendong sa mga ka-opisina at kababayan natin sa Cagayan de Oro, Iligan at iba pang bahagi ng Hilagang Mindanao.

Para po sa mga nais tumulong, lalo na po sa mga kasamahan natin na narito sa Main Office at NCR, maaari niyo pong ipadala ang relief goods gaya ng pagkain, damit, tubig, gamot at iba pa c/o COMELEC Education and Information Department (EID).

Maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono bilang 525-9294 o mag-email sa comelecwagefight@gmail.com.

Isabuhay po natin ang espiritu ng bayanihan ngayong Kapaskuhan! Tulungan po natin ang ating mga kababayang biktima ng Bagyong Sendong!

Maraming Salamat po!

PRESS RELEASE
December 9, 2011
Reference: Mac Ramirez, Convenor
Contact No.:    comelecwagefight@gmail.com

Poll workers’ laud bill seeking probe on outdated, low COMELEC workers’ salary

Armando Mallorca, COMELEC Wage Fight Convenor and PRO of the Metro Manila Election Officers Association (MMEOA)

Commission on Elections (COMELEC) rank and file employees under the COMELEC Wage Fight!Alliancetoday lauded the filing of a bill at the House of Representatives that seeks to conduct an inquiry, in aid of legislation, “on the plight of government workers and officials of the Commission on Elections whose salary grades appear dismally outdated and grossly inappropriate for their workload.”

“The close to 6,000 rank and file employees and officials of the Commission on Elections (COMELEC), thru the COMELEC Wage Fight Alliance, have recently expressed their dismay at their current salary schedule and other pertinent wage concerns. Indeed, there appears to be a glaring disparity in the salary scale of COMELEC employees, from the majority that comprise the rank and file to the Commission’s mid-level and top officials, compared to fellow government employees in other government agencies, including other Constitutional bodies. The said disparity ranges from three to five grades,” stated in House Resolution 1939, filed by Bayan Muna Partylist Rep. Teodoro Casiño.

HR 1939 noted that, the universally accepted principle of equal pay for substantially equal work and responsibility” in government service has not been applied to the COMELEC rank and file employees and its officers.  This disparity in pay, according to the bill, is most evident during election time wherein COMELEC officers and employees receive lesser per diem incentives compared to the honoraria of other members of the electoral board coming from other government agencies.

“In the case of casual employees, the government is doing a great injustice by pegging the salaries of all Comelec casual employees to SG 1, regardless of their position or job description. A casual employee of the COMELEC performing a technical or highly-skilled post is still on SG 1. This is tantamount to involuntary servitude and is an unfair labor practice”, stated in HR 1939.

“COMELEC rank and file employees are most pleased that our call for salary adjustment has reached the Philippine Congress! We thank Rep. Casiño for taking up the cudgels for the more than five thousand COMELEC employees nationwide,” stated COMELEC Wage Fight!Alliance Convenor and Valenzuela Election Officer Armando Mallorca.

Poll workers joins calls for P6,000 wage increase

For his part, Mac Ramirez co-convenor of the Alliance stated that while they are pushing for salary adjustment to correct the longstanding wage disparity suffered by COMELEC employees, they are also fully supporting calls for a legislated P6,000 increase in the minimum pay of state workers nationwide.

“Even if we make the wages in COMELEC at par with other employees in government agencies and other Constitutional Commissions, the fact still remains that the nation’s 1.4 million public sector workers’ wages are grossly insufficient considering the sky high cost of living in the country. Thus, we join our fellow state workers under the banner of COURAGE (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees) in clamouring for the legislated P6,000 increase in the minimum pay of government employees,” said Ramirez. ###

Republic of the Philippines
HOUSE OF REPRESENTATIVES
Quezon City

FIFTEENTH CONGRESS

Second Regular Session

 

HOUSE RESOLUTION No. _1939_

Filed November 24, 2011/3:00 pm

Introduced by:  REP. TEDDY A. CASIÑO

___________________________________________________________________________

 

RESOLUTION

DIRECTING THE COMMITTEE ON CIVIL SERVICE AND PROFESSIONAL REGULATION TO CONDUCT AN INQUIRY, IN AID OF LEGISLATION,

ON THE PLIGHT OF GOVERNMENT WORKERS AND OFFICIALS OF THE COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) WHOSE SALARY GRADES APPEAR DISMALLY OUTDATED AND GROSSLY INAPPROPRIATE FOR THEIR WORKLOAD

 

WHEREAS, the close to 6,000 rank and file employees and officials of the Commission on Elections (COMELEC), thru the COMELEC Wage Fight Alliance, have recently expressed their dismay at their current salary schedule and other pertinent wage concerns. Indeed, there appears to be a glaring disparity in the salary scale of COMELEC employees, from the majority that comprise the rank and file to the Commission’s mid-level and top officials, compared to fellow government employees in other government agencies, including other Constitutional bodies;

WHEREAS, the said disparity ranges from three to five grades. For instance, a Clerk I position in the COMELEC has a Salary Grade (SG) Level 3 and receives a measly P9,628 monthly. In other government agencies and Constitutional Commissions the lowest level for Clerks is SG 7, with a monthly salary of P12,880. There are also other government agencies, corporations and financial institutions and constitutional bodies where Clerks can reach up to SG-9, such as in the Philippine Senate;

WHEREAS, Election Officers (EOs), who are the backbone of the Comelec, also suffer from this glaring wage gap. As mandated by law, the EO’s chair the different Boards in the pre-election and election periods. Presently, there are only four (4) positions EO’s namely:  EO I, EO II, EO III and EO IV,  of which are assigned Salary Grades 12, 15, 18 and 21, respectively.  An EO I, who supervises a small electoral municipality, only has a SG 12 level that has a monthly pay of P18,333. An EO IV, who is responsible for a capital town or city, only has a SG 21 level. The same goes for a Comelec Provincial Election Supervisor (PES) that is assigned to SG 23 with a monthly pay of P40,604 despite the fact that their area responsibility is wider and workload heavier than division chief of other government agencies. It is important to note that considering their work load and responsibility, an EO or PES – especially those who are lawyers – is equivalent to a division chief in other state agencies that is at least on the SG 24 level with a monthly pay of P43,612;

WHEREAS, comparatively, lawyers in the Public Attorney’s Office have SG 25 for the lowest positions.  The Clerk of Court V of the Regional Trial Courts is SG 24; Clerk of Court VI is SG 25; and Clerk of Court VII is SG 26. Other offices in other state agencies have similar higher salary grades for lawyer positions.  Apparently, it is only in the Comelec that the salary grade for lawyers is extremely low;

WHEREAS, for the longest time, the universally accepted principle of “equal pay for substantially equal work and responsibility” in government service has not been applied to the COMELEC rank and file employees and its officers.  This disparity in pay is most evident during election time wherein COMELEC officers and employees receive lesser per diem incentives compared to the honoraria of other members of the electoral board coming from other government agencies;

WHEREAS, in the case of casual employees, government is doing a great injustice by pegging the salaries of all Comelec casual employees to SG 1, regardless of their position or job description. A casual employee of the COMELEC performing a technical or highly-skilled post is still on SG 1. This is tantamount to involuntary servitude and is an unfair labor practice;

WHEREAS, it is sad to note that despite their huge responsibility of having to supervise the conduct of elections in their jurisdiction, no one in the whole rank and file of the COMELEC receives a salary which can meet up with the current estimated daily cost of living in the country which is estimated to be P988 or about around P29,640 a month as of September 2011;

WHEREAS, Comelec employees and officials assert that the Commission has adequate funds to implement salary grade adjustments with its savings accumulated through the years. This is apparently correct since the Comelec enjoys fiscal autonomy with regard to managing its finances and the utmost priority in spending the savings generated by any and all government agencies should be for the payment of wages and other benefits of its employees;

WHEREAS, the Committee on Civil Service and Professional Regulation has jurisdiction over  “all matters directly and principally relating to the organization, operation, management, rules and regulations of the civil service; the status, welfare and benefits of government officers and employees”;

NOW THEREFORE, BE IT RESOLVED, AS IT IS HEREBY RESOLVED, that the Committee on Civil Service and Professional Regulation conduct an inquiry, in aid of legislation, on the plight of government workers and officials of the Commission on Elections (COMELEC) whose salary grades appear dismally outdated and grossly inappropriate for their work load.

Adopted,

 

Rep. Teddy A. Casino         
Bayan Muna Party-list

NOTE: Signature drive is ongoing as of this posting

You be the judge.

‘Exhibit A’

*Note the date of the “removal” Memo and the date on the so-called Exhibit A.

Manindigan sa tunay na Unyon!

Posted: November 28, 2011 in Uncategorized

MGA EMPLEYADO NG COMELEC:
Manindigan sa tunay na Unyon! Tuloy ang laban para sa makabuluhang dagdag sahod, karampatang benepisyo at demokratikong karapatan!

Ginawa natin ang lahat para maging patas, subalit wala pa rin silang tigil sa paninira. Binigyan na natin sila ng tamang forum para ibulalas ang kanilang mga ipinakakalat na akusasyon, subalit tigas pa rin sila sa pagtangging humarap sa kasapian para magpaliwanag.

Ano ang ipinakikita nito?

Malinaw lamang na kaya sila humahantong sa matinding paninirang personal ay hindi nila kayang tumbasan ng ebidensya at katotohanan ang kanilang ipinupukol na mga akusasyon. At dahil hindi sila sumipot sa ipinatawag na pulong ng kasapian noong nakaraang Biyernes, Nobyembre 25, 2011, malakas na indikasyon ito na wala silang mukhang ihaharap dahil hindi naman talaga nila kayang ipaliwanang ang kanilang mga naging aksyon.

Kailangang malaman ng kasapian ang mga ginawang kalabisan nila ACES President Luallah Pama noong Huwebes, Nobyembre 24, 2011. Bandang hapon ng Huwebes, namataan si Pama na nagsisisigaw sa AnnexBuilding, habang galit na nilulumukos ang poster na nag-aanunsyo ng pulong na nakatakda sanapara sa kinabukasan.

Hindi lamang pala ang poster doon ang tinanggal o ipinatanggal niya, pati na rin ang mga nakadikit sa 5th, 7th at 8th floor ng Palacio del Gobernador. Nang tanungin siya ng isang empleyado kung bakit niya tinanggal ang mga poster, walang kaabog-abog na nagsisigaw na naman itong si Pama at walang habas na pinagalitan ang nagtanong.

Sinabi niyang siya lang daw ang may karapatang magpatawag ng meeting dahil siya daw ang Presidente. At habang nag-eeskandalo sa 8th floor ay buong pagmamalaki pa niyang sinabing “Tinanggal ko na sila! Wala silang karapatan!”

Ang tinutukoy ni Pama na “tinanggal” na daw niya ay kaming mga sumusunod: Mac Ramirez (Vice-President for Internal Affairs); Armando Mallorca (Vice-President for External Affairs); Gel Gerardino (Secretary-General) at Bong Macasu (Member, Board of Officers). 

Sa tono pa lamang ng mga sinasabi ni Pama, halata mo nang hindi talaga marunong kumilala ang tao na ito sa prinsipyo ng demokrasya sa isang organisasyon. Mala-diktador kung umasta, wari mo’y siya ang nagluklok sa mga taong nabanggit kaya siya lamang ang may karapatang magtanggal! Samantalang halal ng kasapian ang mga nabanggit sa upisyal.

Habang gumagawa ng eskandalo si Pama sa 8th floor, bigla namang sumabat itong si George Albayda (ACES Auditor) at pilit na pinalabas ang empleyadong nagtanong. Nang tumangging lumabas ang empleyado, sinabihan siya ni Albayda ng, “Gusto mo paakyatin mo dito si Mac (Ramirez) at pagsasasampalin ko!” 

Ganito ba dapat ang aktitud ng mga nagsasabing beterano na sa pag-uunyon at nagmamalaking madami nang nagawa para sa kapakanan ng empleyado? Sadyang mahirap naman itong paniwalaan. Simpleng batas lang nga organisasyon, na boses ng nakararami ang dapat manaig at hindi ng iisang tao lamang, ay tahasang nilalapastangan nila at hindi sinusunod.

Nagyayabang din silang bihasa sa pag-uunyon pero ni hindi nga nila nagawang irehistro ang ACES sa Bureau of Labor Relations (BLR) at nakapagpa-accredit sa Civil Service Commission (CSC) mula pa noong 2004!

Katuwa-tuwang may gana pa silang magyabang na rehistrado naman na daw ang ACES; pero sa Securities and Exchange Commission (SEC) kung saan kadalasa’y mga korporasyon at negosyo ang mga inire-rehistro.

Kung sabagay, tila negosyo naman talaga ang turing nila Pama at Albayda sa pag-uunyon. Hindi ba’t sila rin ang pilit na humarang sa registration ng ACES sa BLR dahil gusto nilang baguhin ang Constitution and By-Laws (CBL) ng ACES.

Gusto kasi nilang patraydor na idagdag sa CBL ang probisyon na magbibigay ng honorarium at medical insurance sa mga upisyal ng ACES. Saan ka ba naman nakakita ng Unyon, na ang upisyal ay sumasahod at may insurance pa!

Umpisa pa lamang, mahigpit na kaming tumutol sa napaka-makasariling amyenda na ito (bukod pa sa katotohanang tanging ang General Assembly lamang ang may karapatang baguhin ang CBL at hindi ang ACES Board). Ito na marahil ang dahilan kung bakit kami arbitraryong tinanggal ni Pama sa tungkulin noong Agosto 2011.

Hindi na siguro kailangan pa ng mahabang eksplanasyon kung bakit namin sinasabing mala-diktador ang ginawang pagtanggal sa amin sa puwesto, dahil kitang kita naman na ito.

Dagdag na kalapastanganan ni Pama sa demokratikong proseso ay ang lantarang pambabastos at hindi pagkilala sa naganap na General Assembly at Eleksyon noong Enero 21, 2011, kung saan naratipika rin ng kasapian ang ACES CBL. Patunay dito ang inilabas na Memo ni Pama na ACES CBL pa ng 2005 ang kaniyang ginamit!

Manindigan sa tunay na Unyon!

Wala nang maaasahan pang ganansya ang mga rank and file na empleyado ng COMELEC sa mga upisyal nagayanila Pama at Albayda. Sadyang makapanindig balahibong ipagkatiwala sa mga katulad nila ang kapakanan at kagalingan ng halos anim na libong manggagawa ng ating ahensya.

Wala na tayong nakikitang rason para ipagpatuloy pa ang relasyon sa kanila. Ginawa na natin ang lahat, subalit sila pa rin ang nagmatigas. Kami pa ang binansagang mga breakaway group, samantalang kami nga, na halal ng kasapian, ang tinanggal niya sa puwesto ng walang kaabog-abog. Kami pa daw ang “naninira sa kaisahan, tinig at lakas” ng ACES, samantalang kami pa nga ang nagpursiging magpatawag ng Membership Meeting para mabigyang linaw na ang matagal nang isyung bumabagabag at nagpapabagal sa pag-usad ng ating unyon.

Pero kung tutuusin, hindi naman sangkot sila Pama at Albayda sa kung ano mang tagumpay ang ngayo’y tinatamasa ng mga rank and file na empleyado. Tulad halimbawa sa isyu ng ating mababang sahod. Kahit kailan, hindi naman natin sila nakasama sa labang ito. Sa totoo lang, sila pa nga ay lantarang kumontra, nagpakalat ng intriga, at humarang sa adhikain nating ito.

Ang sama-sama nating pagkilos at paninindigan ang dahilan kung bakit dumadagundong na ngayon ang panawagan para sa pagtatama sa ating sahod at hindi dahil sa basbas ng kung sino mang Ponsyo Pilato.

Dinidinig tayo ng pamunuan ng COMELEC, sa pungunguna na ni Chairman Sixto Brillantes, dahil buong bansa na tayo ngayong nagsasalita.

Humantong na rin ang ating panawagan sa Kamara de Representantes. Kamakailan lang, naghain na ng Resolusyon sa Kongreso si Rep. Teddy Casiño ng Bayan Muna, para maimbestigahan ang mababang pasahod sa mga manggagawa at upisyal ng COMELEC.

Malayo na ang ating narating, subalit hindi pa tapos ang laban. Nananatili pa rin ang katotohanang kailangan natin ang isang solido at matatag na Unyon para masandigan nating mga manggagawa. Ang pag-asa at ang susi ng ating pagtatagumpay ay nasa ating pagkakaisa at nasa lakas ng ating Unyon.

Alam na natin ngayon, na wala na tayong maaasahan pa kina Pama at Albayda, pati na rin sa akala mo’y pag-aari nilang ACES. Kaya naman, matapos ang naganap na pulong ng kasapian noong Nobyembre 25, lumabas ang matingkad na obserbasyon ng mga nagsidalo na hindi na susulong ang interes at kapakanan ng empleyado ng COMELEC kung mananatili ang bulok na pamumuno nina Pama at Albayda sa ACES. Marami rin ngang nagmungkahi na sila ang dapat na alisin sa ating organisasyon.

Isa ring patunay ng kawalan ng tiwala sa kanila ng mga empleyado ay ang mungkahing pagtatatayo na ng bagong Unyon na hiwalay sa ACES. Isang unyon na aktibo at tunay na maglilingkod at magtatanggol sa ating karapatan at hindi para sa makasariling interes ng iilang mga opisyales nito.

Isang Unyon na hindi na lamang magkakasya sa pana-panahong paghingi ng limos sa kinauukulan,gayanang nakasanayan nang gawin nila Pama at Albayda sa ACES. Isang Unyon na kikilala sa karapatan ng bawat kasapi. Isang Unyon na kolektibong kakatawan sa tunay na interes ng empleyado at hindi ng iilang tao.

Itatatag natin ang ating tunay na unyon sa lalong madaling panahon. Sa pamamagitan nito, titiyakin nating makakamit natin ang tagumpay sa kahilingan nating salary adjustment at karampatang benepisyo.

Isusulong din natin ang Collective Negotiation Agreement o CNA kung saan maiinstitusyunalisa na ang mga economic and non-economic benefits nating mga empleyado gaya ng taunang CNA incentive, personal growth and development, medical and health benefits, union time at marami pang iba. Sa katunayan ay matagal na tayong nakagawa ng draft ng ating CNA proposal ngunit dahil nga sa pagtanggi ni Pama na kilalanin ang ating CBL at hindi nito pagrerehistro ng ACES, hindi natin ito maipasa sa management para masimulan na ang negosasyon.

Muli, ito ay isang malaking kawalan para sa ating mga rank and file.

Dalawa sa popular na suhestyon na maging pangalan ng ating itatayong organisasyon ay ang COMELEC Employees Union o COMELEC-EU at ang COMELEC Association of Rank and File Employees o CARE na kasalukuyang pangalan din ng ating FB page at pinamamahalaan online ni Mr. Armando Mallorca.

Dahil prinsipyo ng demokrasyang ang magiging patnubay ng ating organisasyon, ito ay ibinubukas namin sa pagtingin at suhestyon ng lahat ng empleyado at mga kasalukuyang kasapi pa ng ACES na matagal na ring hostaged sa walang direksyong pamunuan nila Pama at Albayda.

Pagkatapos nito ay hihikayatin natin ang lahat na pagtulong-tulungan na maitatag ang ating tunay na unyon sa pamamagitan ng maramihang pagpapaliwanag at pagrerekrut sa ating mga kapwa empleyado para mairehistro natin ito sa BLR sa pinakamadaling panahon at masimulan na ang negosasyon para sa ating mga incentives at benefits na lalamanin ng ating CNA.

Sa wakas, may tunay na boses na rin tayong mga empleyado ng COMELEC!

Para sa COMELEC rank and file,

(sgd)                                                                                  (sgd)
Mac Ramirez                                                             Armando Mallorca

 

(sgd)                                                                                   (sgd)

Gel Gerardino                                                            Bong Macasu